Location: World War II Death March Memorial Shrine, National Road, Brgy. Poblacion, Mariveles, Bataan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 23, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PINAGSIMULAN NG DEATH MARCH
MAHIGIT 70,000 SUNDALONG PILIPINO AT AMERIKANONG MGA BIHAG NG DIGMAAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG ANG NAGSIMULANG MAGMARTSA SA UTOS NG MGA SUNDALONG HAPONES MULA MARIVELES, BATAAN, 10 ABRIL 1942, AT BAGAC, BATAAN, 11 ABRIL 1942. NAKARANAS NG PAGMAMALUPIT, MATINDING PAGOD, GUTOM AT UHAW ANG MGA BIHAG. MARAMI ANG NAMATAY AT ANG IBA AY NAGKASAKIT. PAGDATING SA SAN FERNANDO, PAMPANGA, ISINAKAY SILA SA TREN PATUNGONG CAPAS, TARLAC. IKINASAWI NG MARAMI ANG KAWALAN NG HANGIN BUNGA NG PAGSISIKSIKAN SA MGA BAGON. NAKARATING ANG MGA NATIRANG BUHAY SA CAPAS, TARLAC AT MULING PINAGLAKAD NG ANIM NA KILOMETRO HANGGANG SA BILANGGUAN NG CAMP O’DONNELL, 15 ABRIL 1942. KINIKILALA SA KASAYSAYAN BILANG DEATH MARCH.