Location: Philtranco Transport Heritage Museum, Iriga–Baao Road, Iriga, Camarines Sur
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILTRANCO SERVICE ENTERPRISES, INC.
UNANG PINANGANLANG ALBERT LOUIS AMMEN TRANSPORTATION COMPANY (ALATCO). ANG UNANG KOMPANIYA NA PAMPASAHERONG BUS NG MGA AMERIKANO SA PILIPINAS NA ITINATAG NOONG 1914 NI A.L. AMMEN, ISANG SUNDALONG AMERIKANO, AT ANG PUNONG HIMPILAN AY SA IRIGA, CAMARINES SUR. ANG POOK NA ITO AY GINAMIT NA GARISON NG HUKBONG IMPERYAL NA HAPON NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG NA NAGBUNGA SA PANSAMANTALANG PAGTIGIL NG PAGLILINGKOD NA PAMBAYAN NITO. NAGPASIMULANG MULI NOONG 1945 SA TABACO, ALBAY. BINILI NG D. TUASON, INC., NOONG 1949 AT NAGING SIMULA NG PAGIGING ISA NITONG KORPORASYONG PAG-AARI NG MGA PILIPINO. BINILI NITO NANG TAONG DING YAON ANG BICOL TRANSPORTATION COMPANY (BITRANCO). ANG CONSOLIDATED AUTO LINES (CAL) AT MINDORO TRANSPORTATION COMPANY (MINTRANCO) NOONG 1954. NAKASANIB ANG EASTERN TAYABAS BUS COMPANY (ETBCO), 1968. BINILI NG MANTRADE GROUP OF COMPANIES NOONG 1971 AT PINANGANLANG PANTRANCO SOUTH EXPRESS INCORPORATED. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG PHILTRANCO SERVICES ENTERPRISES, INC., 1985.