Location: Ermita, Manila
Category: Buildings/Structures
Type: Government institution
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2 June 1994
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILIPPINE POST OFFICE
ITINATAG BILANG TANGGAPAN NG KOREO SA MAYNILA, 1767; ITINAAS BILANG DISTRITONG PANGKOREO NG ESPANYA, 1779; NAGPANIBAGONG-TATAG , 5 DISYEMBRE 1837; NAGING PANGUNAHING SENTRONG PANGKOREO, 1838. NAGING KASAPI NG UNIVERSAL POSTAL UNION, 1877. ITINATAG BILANG LINGKURANG PANGKOREO SA BISA NG KAUTUSAN NG PANGULONG EMILIO AGUINALDO, 1898. MULING ITANATAG BILANG KAWANIHAN SA ILALIM NG KAGAWARAN NG PANGANGALAKAL SA BISA NG BATAS NG KOMISYON NG PILIPINAS BLG. 426, 15 SETYEMBRE 1902. ITINAYO ANG KASALUKUYANG GUSALI NA MAY ARKITEKTURANG NEO-KLASIKO, 1926. NASIRA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG; MULING IPINATAYO, 1946. PINANGALANANG POSTAL SERVICES OFFICE SA PANGANGASIWA NG KAGAWARAN NG TRANSPORTASYON AT KOMUNIKASYON SA BISA NG KAUTUSANG PAMPANGASIWAAN BLG. 125, 13 ABRIL 1987; AT PHILIPPINE POSTAL CORPORATION SA BISA NG BATAS NG REPUBLIKA BLG. 7354, 3 ABRIL 1992.