Location: Philippine Normal University, Ayala Boulevard cor. Taft Avenue, Ermita, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1 September 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY (1901–2001)
ITINATAG BILANG PHILIPPINE NORMAL SCHOOL SA ILALIM NG DEPARTMENT OF INSTRUCTION SA BISA NG BATAS BLG. 74 NG PHILIPPINE COMMISSION, ENERO 21, 1901. NAGBUKAS NG MGA KLASE SA ESCUELA MUNICIPAL SA INTRAMUROS, MAYNILA, SETYEMBRE 1, 1901. NAGING UNANG SUPERINTENDENTE SI G. ELMER B. BRYAN. INILIPAT SA GUSALING PAMPANGASIWAAN, EXPOSICION REGIONAL DE FILIPINAS SA PADRE FAURA, MAYNILA, 1902. INILIPAT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO, 1912. PANSAMANTALANG IPINASARA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT MULING BINUKSAN NOONG 1946. NAGING KOLEHIYO SA BISA NG BATAS BLG. 416, OKTUBRE 27, 1950. NAGING UNANG PANGULO NITO SI DR. MACARIO NAVAL. NAGBUKAS NG MGA SANGAY SA LABAS NG MAYNILA AYON SA BATAS NG REPUBLIKA BLG. 4242, HULYO 15, 1965. ITINAAS BILANG PAMANTASAN SA PAMAMAGITAN NG BATAS NG REPUBLIKA BLG. 7168, DISYEMBRE 26, 1991.