Location: Pavillion de La Castellana, Beaterio corner Cabildo Streets, Intramuros, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 3 December 2020
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PHILIPPINE MERCHANT MARINE ACADEMY
SA POOK NA ITO, NA DATING KINATATAYUAN NG GUSALI NG CONSULADO DE COMERCIO, UNANG ITINATAG ANG PHILIPPINE MERCHANT MARINE ACADEMY SA BISA NG REAL DECRETO NI HARING FERDINAND VII SA LAYUNING HUMUBOG NG MGA MARINONG MAY SAPAT NA HUSAY AT KAALAMAN SA NABIGASYON, 1 ENERO 1820. PORMAL NA BINUKSAN ANG KLASE, 5 ABRIL 1820. UNANG KINILALA SA MGA PANGALANG ESCUELA NAUTICA DE MANILA AT ACADEMIA DE PILOTAJE. NAG-ARAL DITO ANG PINTOR NA SI JULIAN LUNA Y NOVICIO, 1869—1872. MULING PINANGALANAN BILANG NAUTICAL SCHOOL OF THE PHILIPPINE ISLANDS, 9 NOBYEMBRE 1899. PANSAMANTALANG ISINARA DAHIL SA WELGA NG MGA MAG-AARAL AT SA KAKULANGAN NG BARKONG MAGAGAMIT PARA SA PAGSASANAY, 1907. MULING BINUKSAN SA ARROCEROS, MAYNILA SA ILALIM NG PANGANGASIWA NG PHILIPPINE SCHOOL OF ARTS AND TRADES, 1913. PINANGALANANG PHILIPPINE NAUTICAL SCHOOL, 28 PEBRERO 1914. IBINALIK SA PAGIGING ISANG PAARALANG AKADEMYA AT INILIPAT SA PASAY, 1918. IPINAGPATULOY AT PINALAWAK ANG OPERASYON NOONG PANAHON NG HAPON. TINUTUKAN ANG PAGSASANAY NG MGA MARINONG PILIPINO NA HAHALILI SA MGA MARINONG AMERIKANO MATAPOS ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. NAGING PHILIPPINE MERCHANT MARINE ACADEMY, 1963. INILIPAT SA FORT BONIFACIO, 1968; AT SA SAN NARCISO, ZAMBALES, 1998.