Location: Ayala Avenue Extension cor. Kamagong Street, Makati
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2008
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PHILIPPINE DENTAL ASSOCIATION
UMIRAL ANG PAGDEDENTISTA SA PILIPINAS SA PANAHONG PREKOLONYAL AYON SA EBIDENSYANG ARKEOLOHIKAL. ITINURO BILANG BAHAGI NG EDUKASYONG MEDIKAL SA PANAHON NG MGA ESPANYOL. ITINATAG BILANG ISANG LEGAL NA PROPESYON, 10 ENERO 1903. BINUO ANG UNANG KALUPUNAN NG MGA TAGASULIT DR. ROBERT T. OLIVER, UNANG PANGULO. ITINATAG ANG SOCIEDAD DENTAL DE FILIPINAS UPANG ITAAS ANG ANTAS NG PROPESYONG DENTAL, ESCOLTA, MANILA, 11 HULYO 1908; DR. BONIFACIO AREVALO, UNANG PANGULO. ITINATAG ANG NATIONAL DENTAL ASSOCIATION, 1925; DR. FRANCISCO TECSON, UNANG PANGULO. PINAG-ISA ANG DALAWANG SAMAHAN AT NAGING PHILIPPINE DENTAL ASSOCIATION, 12 AGOSTO 1945; DR. JOAQUIN C. LADAO, UNANG PANGULO. PINASINAYAAN, 7 SETYEMBRE 1945.