Location: Jalajala, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1978
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAUL P. DE LA GIRONIERE
MANLALAKBAY NA PRANSES NA DUMATING SA MAYNILA NOONG 1820. NANIRAHAN SA PILIPINAS SA LOOB NG DALAWAMPUNG TAON AT BINUO ANG ASYENDANG JALA-JALA SA MORONG, NGAYO’Y LALAWIGANG RIZAL. PINAUNLAD ANG PAG-AALAGA NG BABOY, PAGTATANIM NG INDIGO, TUBO AT KAPE AT NAKAPAGTANIM NG KAPENG MAY 60,000 PUNO SA IKALAWA NITONG PAG-AANI. DAHIL DITO SIYA AY TUMANGGAP NG KARANGALAN BUHAT SA LA REAL SOCIEDAD ECONOMICA DE AMIGOS DEL PAIS DE FILIPINAS NOONG HUNYO 27, 1837. SINULAT ANG SALAYSAY NG KANYANG BUHAY AT PAGLALAKBAY SA KAPULUAN NA PINAMAGATANG VINGT ANNEES AUX PHILIPPINES (DALAWAMPUNG TAON SA PILIPINAS). NAGBALIK SA PRANSIYA AT BINAWIAN NG BUHAY NOONG 1865.