Location: Graciano Lopez Jaena Park, E. Lopez Street cor. El 98 Street, Jaro, Iloilo City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PATROCINIO GAMBOA
(1865–1953)
IPINANGANAK SA JARO, ILOILO NOONG IKA-30 NG ABRIL 1865 KINA FERMIN GAMBOA AT LEONARDA VILLAREAL.
MAY KAISIPANG MAKABAYAN NA PINASIGLA NG NOLI AT FILI NI RIZAL. SIYA AY UMANIB SA PANGKAT PANGHIMAGSIKAN SA ILOILO. IPINAKIPAGSAPALARAN NIYA ANG KANYANG BUHAY SA PAGHAHATID NG WATAWAT NG PILIPINAS NA KANYANG GINAWA BUHAT SA JARO PATUNGONG STA. BARBARA KUNG SAAN ITINATAAS ITO NANG PASINAYAAN ANG PANSAMANTALANG PAMAHALAANG PANGHIMAGSIKAN NOONG IKA-17 NG NOBYEMBRE 1898.
TUMULONG SIYA SA PAG-AALAGA SA MGA SUGATAN AT MAYSAKIT NOONG PANAHON NG DIGMAAN LABAN SA MGA AMERIKANO.
SIYA AY NAMATAY NOONG IKA-24 NG NOBYEMBRE 1953 SA MOLO, ILOILO.