Location: Dumaguete South Road, Bacong, Negros Oriental (Region VII)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PANTALEON VILLEGAS
“LEON KILAT”
(1873–1898)
ISINILANG SA BACONG, NEGROS ORIENTAL, 27 HULYO 1873. SUMANIB SA KATIPUNAN HABANG NASA MAYNILA MATAPOS PASLANGIN ANG MGA MANDARAGAT MULA SA KABISAYAAN SA CALLE CAMBA, BINONDO, SETYEMBRE 1896. DINAKIP AT IKINULONG NG MGA ESPANYOL, NAKATAKAS AT SUMANIB SA PUWERSANG REBOLUSYONARYO SA CAVITE, 1897. INATASAN NI HEN. EMILIO AGUINALDO NA PALAWAKIN ANG KILUSANG REBOLUSYONARYO SA CEBU, 1897. PINAMUNUAN ANG PAG-AALSA NG TRES DE ABRIL SA LUNGSOD NG CEBU, 1898. PINASLANG SA CARCAR, CEBU, 8 ABRIL 1898. IBINALIK ANG MGA LABI SA BAYAN NG BACONG, NEGROS ORIENTAL, 2 AGOSTO 1926.