Location: Technological University of the Philippines, Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Association/Institution/Organization
Type: School
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 3, 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker Text:
PAMANTASANG TEKNOLOHIKAL NG PILIPINAS
ITINATAG BILANG MANILA TRADE SCHOOL SA BISA NG BATAS BLG. 74 NG PHILIPPINE COMMISSION, ENERO 21, 1901. PORMAL NA NAGBUKAS NG MGA KLASE SA INTRAMUROS, MAYNILA NOONG SETYEMBRE 1901. UNANG PUNONG GURO SI RONALD P. GLEASON. INILIPAT SA KARPINTERYA SA DAANG ARROCEROS, 1907. BINIGYAN NG BAGONG PANGALANG SCHOOL OF ARTS AND TRADES, 1910. INILIPAT SA KASALUKUYANG KINATATAYUAN NITO, 1915. PANSAMANTALANG ISINARA NOONG PANAHON NG PANANAKOP NG MGA HAPON. MULING NAGBUKAS NG KLASE NOONG LIBERASYON, 1945. IPINAAYOS SA PAMAMAGITAN NG PHILIPPINE WAR DAMAGE COMMISSION, 1950. GINAWANG PHILIPPINE COLLEGE OF ARTS AND TRADES NOONG 1959 SA BISA NG BATAS NG REPUBLIKA BLG. 227. ITINAAS BILANG PAMANTASAN SA BISA NG DEKRETO NG PANGULO BILANG 1518, HUNYO 15, 1978.