Location: Kawit, Cavite (Region IV-A)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
PAMAHALAANG BAYAN NG KAWIT (1896)
SA POOK NA ITO DATING NAKATAYO ANG LUMANG GUSALI NG PAMAHALAANG BAYAN NG KAWIT NA KINUBKOB NG MGA KATIPUNERO NG KABITE SA PAMUMUNO NINA EMILIO AGUINALDO AT CANDIDO T. TIRONA NOONG HAPON NG IKA-31 NG AGOSTO, 1896. ANG PANGYAYARING ITO ANG NAGING SIMULA NG HIMAGSIKAN SA LALAWIGAN NG KABITE.