Location: Bubog Road, Brgy. San Roque, San Jose, Occidental Mindoro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2010
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PAGDAONG SA MINDORO
SA DALAMPASIGAN NG SAN JOSE DUMAONG ANG DATING VISAYAN ATTACK FORCE NA NAHATI BILANG MINDORO ATTACK GROUP SA ILALIM NI ADMIRAL ARTHUR D. STRUBLE, CLOSE COVERING GROUP NI REAR ADMIRAL RUSSELL S. BERKEY; AT MOTOR TORPEDO BOAT GROUP NI LT. COM. N. BURT DAVIS, 15 DISYEMBRE 1944. KASAMA DITO ANG 11,878 COMBAT TROOPS; 9,578 ARMY AIR FORCE; AT 5,901 SERVICE TROOPS SA PAMUMUNO NI GENERAL WILLIAM C. DUNCKEL NA NAGSAGAWA NG MGA PALIPARAN NG PWERSANG PANGHIMPAPAWID PARA SA GAGAWING PAGDAONG SA LINGAYEN, PANGASINAN AT PAGPAPALAYA SA LUZON. KAUGNAY NITO ANG PAGKILALA SA MGA GRUPO NG FILIPINO GERILYA NINA MAJOR RAMON RUFFY, MAJOR SOFRONIO UNTALAN AT CAPTAIN LAWRENCE COOPER UPANG MAGING KAAGAPAY SA PAKIKIPAGLABAN SA MGA PWERSANG HAPONES SA MINDORO.