Location: Parañaque Cathedral, Quirino Avenue, La Huerta, Parañaque City
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 4 March 1984
Marker text:
PADRE PEDRO DANDAN Y MASANGKAY
PARI NG MGA NAGHIHIMAGSIK AT ISA SA MGA KAMPEON SA PILIPINISMO. ISINILANG SA PALANYAG, RIZAL (NGAYON’Y PARAÑAQUE, METRO MANILA). KAGAWAD NG ORDEN NG MGA SEKULAR, NASANGKOT SA CAVITE MUTINY. KASAMA NINA PADRE JOSE BURGOS, MARIANO GOMES, JACINTO ZAMORA AT IBA PA NOONG ENERO 20, 1872. IPINATAPON SA PULO NG MARIANAS LULAN NG FLORES DE MARIA, MARSO 14, 1872. BUMALIK SA PILIPINAS AT NAGING PANGALAWANG PUNONG KANTOR (KINATAWAN NG PUNONG KANTOR) PRE-BENDADO AT COADJUTOR NG ARSOBISPO SA KATEDRAL NG MAYNILA, 1895–1896. SUMAPI SA PANGKAT NI HEN. LICERIO GERONIMO SA BUNDOK BURAY, MONTALBAN. NAHALAL NA PANGULO NG KAPULUNGAN NG PAMAHALAANG PANGKAGAWARAN NG GITNANG LUZON. SUMAPI RIN SA PANGKAT NI HEN. EMILIANO RIEGO DE DIOS AT HEN. CRISPULO AGUINALDO. NAMATAY NOONG 1897.