Location: St. Michael the Archangel Parish Patio, Barangay Tabing Dagat (Poblacion) Bacoor City, Cavite
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2 August 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PADRE MARIANO GOMES
PARI AT MARTI. ISINILANG SA SANTA CRUZ, MAYNILA, 2 AGOSTO 1799. INORDENAHAN BILANG PARI, 1822. NAGING CAPELLAN NG CAPELLANA NI DONA PETRONA DE GUZMAN, SAKRISTAN NG KATEDRAL NG MAYNILA, AT PANGULO NG SEMINARYO NG SAN CARLOS, 1822. NAGING KURA PAROKO NG BACOOR, CAVITE SA LOOB NG 48 TAON, 2 HUNYO 1824-17 PEBRERO 1872. NAGING VICARIO FORANEO PARA SA EKLESIYASTIKONG LALAWIGAN NG CAVITE, 1844. NAGTANGGOL SA KARAPATAN NGMGA PARING PILIPINO. PINARATANGAN NA ISA SA MGA NANGUNA SA PAG-AALSA NGMGA SUNDALO AT MANGGAGAWA SA ARSENAL NG KUTA NG SANFELIPE SA ACVITE, 20 ENEROO 1872. HINATULAN NG PARUSANG KAMATAYAN SA AKSONG SEDISYON AT PAGTATAKSIL SA BAYAN, 15 PEBRERO 1872. SA EDAD NA 72 AY BINITAY SA PAMAMAGITAN NG GAROTE KASAMA SINA PADRE JOSE BURGOS AT PADRE JACINTO ZAMORA SA BAGUMBAYAN, NGAYO’Y LUNETA, AT MAGKAKASAMANG IBINAON SA ISANG LIBINGANG WALANG PALATANDAAN SA SEMENTERYO NG PACO, 17 PEBRERO 1872.
ANG PANANDANG ITO AY INILAGAY BILANG PAGGUNITA SA IKA-150 ANIBERSARYO NG PAGBITAY KINA PADRE MARIANO GOMES, PADRE JOSE BURGOS AT PADRE JACINTO ZAMORA.