Location: General Paciano Rizal Shrine, Villegas Street cor. Juan Luna Street, Los Baños, Laguna
Category: Buildings/Structures, Personages
Type: Building, Biographical marker
Status: Level I- National Historical Landmark
Legal basis: Resolution No. 1, s. 1992
Marker date: April 13, 1983
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
PACIANO RIZAL
1851–1930
NAKATATANDANG KAPATID NI JOSE RIZAL. IPINANGANAK SA CALAMBA, LAGUNA, NOONG MARSO 9, 1851. NANGILAK NG ABULOY PARA SA KILUSAN SA PAGPAPALAGANAP LABAN SA ESPANYA AT NANGILAK NG SUSKRISYON PARA SA DIARIONG TAGALOG. NAKUMISYONG HENERAL NG HUKBONG MAPANGHIMAGSIK. INIHALAL NA KALIHIM NG PANANALAPI SA PAMAHALAANG PANGKAGAWARAN NG GITNANG LUSON SA BUNDOK PURAY, MONTALBAN, AT ITINALAGANG PUNONG MILITAR NG MGA MANGHIHIMAGSIK SA LAGUNA. LUMAHOK SA DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO AT NADAKIP NG MGA KAAWAY NOONG 1900. NAMATAY SA BAHAY NA ITO NOONG ABRIL 13, 1930.