Location: Provincial Police Office, BGen Paciano Rizal Camp, Sta. Cruz, Laguna
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 28 July 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
PACIANO RIZAL
REBOLUSYONARYO. NAKATATANDANG KAPATID NI JOSE RIZAL. ISINILANG SA CALAMBA, LAGUNA, 9 MARSO 1851. TUMULONG MANGALAP NG PONDO PARA SA KILUSANG PROPAGANDA SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPALAGANAP NG SUSKRISYON SA DIARIONG TAGALOG. INIHALAL NA KALIHIM NG PANANALAPI SA PAMAHALAANG PANGKAGAWARAN NG GITNANG LUZON MATAPOS MAGTIPON ANG MGA REBOLUSYONARYO SA BUNDOK PURAY, MONTALBAN, NGAYO’Y MUNISIPALIDAD NG RODRIGUEZ, LALAWIGAN NG RIZAL, MAYO, 1897. KINUMISYONG HENERAL SA ILALIM NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO NI EMILIO AGUINALDO. SUMUKO SA KANYA ANG MGA OPISYAL NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG LAGUNA KASAMA ANG IBA PANG SUNDALONG ESPANYOL, 31 AGOSTO 1898. HINIRANG NA PINUNO NG MGA REBOLUSYONARYO SA PAMUMUNO NI KOL. ROBERT L. BULLARD, 1900. YUMAO, ABRIL 13, 1930.