Location: Ave Maria Street cor. Santa Ana Street, Burauen, Leyte
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1975
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NORBERTO ROMUALDEZ
1875–1941
SA POOK NA ITO IPINANGANAK SI NORBERTO ROMUALDEZ AT LOPEZ NOONG HUNYO 6, 1875 SA MAG-ASAWANG DANIEL ROMUALDEZ AT TRINIDAD LOPEZ.
EDUKADOR, ABOGADO, MAHISTRADO NG KORTE SUPREMA, MAMBABATAS, PARLAMENTARYO, LINGGUWISTA, PILOLOGO, PALEOGRAPO, KOMPOSITOR, PINTOR, NOBELISTA, MAKATA, MANDUDULA, MUSIKOLOGO, MANANALAYSAY, PALAISIP AT MAKABAYAN. DELEGADO SA 1934 KUMBENSIYONG KONSTITUSYONAL AT TINAGURIANG ISA SA PITONG MARURUNONG NG KUMBENSIYON, AT NAGING MIYEMBRO NG ASAMBLEA NASYONAL, 1936–41.
NAMATAY SA PALAPAG, SAMAR, NOONG NOBYEMBRE 4, 1941.