Location: Iloilo City, Iloilo (Region VI)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1981
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
NICHOLAS LONEY
(1826–1869)
IPINANGANAK SA PLYMOUTH, DEVONSHIRE, INGLATERRA NOONG 1826, SIYA AY NAGTUNGO SA MAYNILA BILANG MANGANGALAKAL NOONG 1851. ITINALAGA SIYA BILANG UNANG BISE-KONSUL NA INGLES SA ILOILO NOONG 1856 PAGKARAANG IPAHAYAG NA ITO’Y ISANG PANDAIGDIG NA DAUNGAN. MALAKI ANG NAITULONG NIYA SA PAGPAPAUNLAD NG PANAY AT NEGROS, LALO NA SA INDUSTRIYA NG ASUKAL, SA PAMAMAGITAN NG PAGGAMIT NG MGA MAKABAGONG ILUHAN NG TUBO AT PAGBIBIGAY NG TULONG NA PANANALAPI SA MGA MAGTATANIM NG TUBO. ANG KANYANG BAHAY-KALAKAL, ANG LONEY AND COMPANY ANG KAUNAUNAHAGANG KOMPANYA NG DAYUHAN SA ILOILO. PINAGBUTI NIYA ANG MGA KALUWAGANG PANDAUNGAN AT NAGSAGAWA NG UNANG TUWIRANG EKSPORTASYON NG ASUKAL BUHAT SA ILOILO NOONG 1859. LUBHANG NAWIWILI SA PAGPAPAUNLAD NG PANGANGALAKAL AT INDUSTRIYA. SINIMULAN NIYA ANG ILANG PAGBABAGO BUHAT SA PAMAHALAANG KASTILA. SIYA AY NAMATAY NOONG ABRIL 22, 1869 AT INILIBING SA ILOILO.