Location: Santo Nino Basilica courtyard, Cebu City
Category: Association/Institution/Organization
Type: Religious order
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 8 August 2018
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MGA RELIHIYOSONG AGUSTINO SA PILIPINAS
DUMATING SA TANDAYA, NGAYO’Y BAHAGI NG SAMAR, ANG UNANG LIMANG PARING AGUSTINO SA PANGUNGUNA NI PADRE ANDRES DE URDANETA, OSA, 13 PEBRERO 1565. NAGTATAG NG PROVINCIA DEL SANTISIMO NOMBRE DE JESUS DE FILIPINAS NA PINAGTIBAY NG ORDENG AGUSTINO SA ROMA, 7 MARSO 1575. IPINANGARAL ANG KRISTIYANISMO SA LUZON, VISAYAS, TSINA AT HAPON. NAGTATAG NG MGA BAYAN AT PAROKYA SA PILIPINAS. NAG-IWAN NG MGA PAG-AARAL SA AGHAM, WIKA, KULTURA, KASAYSAYAN AT KALIKASAN NG PILIPINAS. NANGASIWA SA PAGTATAYO SA ILAN SA MATATANDANG SIMBAHAN SA PILIPINAS, KABILANG ANG APAT NA SIMBAHANG BAROQUE NA ITINALA BILANG POOK PAMANANG PANDAIGDIG NG UNESCO. BAGAMAN NAAPEKTUHAN NG HIMAGSIKANG PILIPINO, ILAN SA KANILA ANG NANATILI PA RIN SA PILIPINAS PARA MANGASIWA NG MGA PAROKYA AT PAARALAN. ITINATAG ANG PROBINSIYA NG STO. NIÑO DE CEBU NG MGA AGUSTINONG PILIPINO NA HIWALAY SA MGA AGUSTINONG ESPANYOL, 1983.