Location: Marorong Islet, Sarangani, Davao Occidental
Category: Buildings/Structures
Type: Fortification
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 22 June 2022
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MGA GUHO NG TANGGULAN NG MARORONG
ANG MGA GUHONG ITO AY BAHAGI NG HIMPILAN NG DESTACAMENTO DE BALUT, ISANG PANGKAT NG HUKBONG ESPANYOL, SA MUNTING PULO NG MARORONG, NGAYO’Y SAKOP NG SARANGANI, DAVAO OCCIDENTAL. ITINAYO ANG ISTRUKTURA NANG ITATAG ANG COMANDANCIA POLITICO-MILITAR DE SARANGANI UPANG BANTAYAN ANG DAGAT SULAWESI MULA SA PANANALAKAY NG MGA MANDIRIGMANG MUSLIM, 1884. DITO INILIPAT ANG ILAN SA MGA SUNDALONG ESPANYOL NA NAKAHIMPIL SA KAPULUANG MARIANAS. NILISAN NG HUKBONG ESPANYOL, ENERO 1899.