Location: De La Salle University, Taft Avenue, Malate, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 12 February 2020
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MEMORARE
GINAMIT NG MGA PUWERSANG HAPON ANG DE LA SALLE COLLEGE, NGAYO’Y DE LA SALLE UNIVERSITY, BILANG HIMPILAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ANIMNAPU’T WALONG KATAO ANG NAGKANLONG SA PANGUNAHING GUSALI NG KOLEHIYO SA PANAHON NG LABANAN NG MAYNILA. MARAHAS NA PINASLANG NG PUWERSANG HAPON ANG LABINLIMANG CHRISTIAN BROTHERS AT ILAN PANG MGA SIBILYAN, 12 PEBRERO 1945. NAUNA RITO, DINAKIP AT HINDI NA NAKITANG MULI SINA BROTHER EGBERT XAVIER, FSC, DIREKTOR NG KOLEHIYO, AT JUDGE JOSE CARLOS. NASAGIP NG 12TH CAVALRY REGIMENT NG U.S. ARMY ANG MGA TAONG NAKALIGTAS, 15 PEBRERO 1945. ANG PANANDANG ITO AY INIAALAY SA ALAALA NG MGA NAMATAY SA POOK NA ITO.