Location: Museo ni Mariano Ponce, Baliuag, Bulacan
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 23 May 2019
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MARIANO PONCE
1863–1918
REPORMISTA AT MAKABAYAN. ISINILANG SA BALIUAG, BULACAN, 22 MARSO 1863. NAGTAPOS NG KURSONG MEDISINA SA UNIVERSIDAD CENTRAL DE MADRID. NAGING KATUWANG NA PATNUGOT NG LA SOLIDARIDAD, ANG LATHALAIN NG MGA REPORMISTA. GUMAMIT NG MGA PANGALANG NANING, KALIPULAKO AT TIGBALANG. NAGING BAHAGI NG HONG KONG JUNTA NA SUMUPORTA SA PAGPAPATULOY NG REBOLUSYON AT NANGHIKAYAT NG MGA BANSA NA KILALANIN ANG PILIPINAS BILANG ISANG MALAYANG BANSA. ITINALAGA NG JUNTA BILANG KINATAWAN AT INATASANG HUMINGI NG SUPORTA AT UMANGKAT NG ARMAS SA BANSANG HAPON, 898. NAGKAROON NG UGNAYAN KAY SUN YAT SEN, ISANG REBOLUSYONARYONG TSINO. NANIRAHAN SA BANSANG HAPON AT HONG KONG. BUMALIK SA PILIPINAS, 1907. NAGING PATNUGOT NG PAHAYAGANG EL RENACIMIENTO AT NAGTATAG NG EL IDEAL. NAGING KINATAWAN NG DISTRITO NG BULACAN SA ASAMBLEYA FILIPINA, 1910. YUMAO SA HONG KONG, 23 MAYO 1918.