Location: Jose Abad Santos Avenue, Cabiao, Nueva Ecija
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARIANO LLANERA
(1855–1942)
PINUNO NG HIMAGSIKANG FILIPINO SA NUEVA ECIJA. ISINILANG SA CABIAO, NUEVA ECIJA, 9 NOBYEMBRE 1855. KAPITAN MUNISIPAL NG CABIAO BAGO SUMIKLAB ANG HIMAGSIKAN NG 1896. NANGUNA KASAMA SI PANTALEON VALMONTE, KAPITAN MUNISIPAL NG GAPAN, AT ANG MAHIGIT 3,000 NA MANGHIHIMAGSIK AT MUSIKONG BUMBONG SA MATAGUMPAY NA PAGLUSOB SA SAN ISIDRO, DATING KABISERA NG NUEVA ECIJA, 2 SETYEMBRE 1896. NANGUNA SA MGA LABANAN SA BULACAN AT NUEVA ECIJA, 1896–1897. ITINALAGANG TENYENTE HENERAL NG HUKBONG FILIPINO, MAYO 1897. ISA SA MGA LUMAGDA SA KONSTITUSYON NG BIAK-NA-BATO, 1 NOBYEMBRE 1897. NADESTIYERO KASAMA NI HEN. EMILIO AGUINALDO SA HONGKONG, 24 DISYEMBRE 1897. BUMALIK SA PILIPINAS, 19 MAYO 1898 AT ITINALAGANG HENERAL NG DIBISYON NG HUKBONG FILIPINO, 21 HULYO 1898. NADAKIP NG MGA AMERIKANO AT IPINATAPON SA GUAM, 16 ENERO 1901. BUMALIK SA PILIPINAS, 26 SETYEMBRE 1902. YUMAO, 19 SETYEMBRE 1942.