Location: Equitable Bank Building, 262 Juan Luna Street, Binondo, Manila
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2009
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MARIANO LIMJAP
(1856–1926)
MAKABAYAN, PILANTROPO AT MANGANGALAKAL. ISINILANG SA BINONDO, MAYNILA, 19 OKTUBRE 1856. NAGING CABEZA DE BARANAGAY AT GOBERNADORCILLO NG BINONDO. IPINIIT SA FORT SANTIAGO SA HINALANG PAGTULONG SA KATIPUNAN, 16 SETYEMBRE 1896. NAGING KASAPI NG KONGRESO NG MALOLOS BILANG KINATAWAN NG MAYNILA, 16 SETYEMBRE 1898. MULING ITINALAGA NANG INILIPAT ANG KONGRESO SA TARLAC, 1899. ISA SA LUMAGDA SA SALAPING PAPEL NG PAMAHALAANG REBOLUSYONARYO NI EMILIO AGUINALDO, 1899. NAGING OPISYAL NG MANILA–DAGUPAN RAILROAD LINE. MULING IPINIIT SA PANAHON NG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO, 1899. NANG MANUMBALIK ANG KATAHIMIKAN, IPINAGPATULOY ANG PANGANGALAKAL NG LUPAIN, PABAHAY AT IBA PANG ARI-ARIAN. NAGPAARAL NANG WALANG BAYAD SA MGA MAHIHIRAP. KASAPI NG KOMITE NA NAGPATAYO NG MONUMENTO NI RIZAL SA LUNETA. YUMAO 4 MARSO 1926.