Location: Mauban, Quezon
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 2009
Marker text:
MANUEL S. ENVERGA (1909–1981)
MAKABAYAN AT LINGKOD-BAYAN. ISINILANG SA MAUBAN, QUEZON, 1 ENERO 1909. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA PHILIPPINE LAW SCHOOL, 1938. MASTER OF LAWS SA UNIVERSIDAD NG STO. TOMAS, 1948. GINAWARAN NG DOCTOR OF LAWS NG UNIVERSIDAD CENTRAL DE MADRID, 1950. NAGTATAG NG LUZONIAN COLLEGES, NGAYO’Y MANUEL S. ENVERGA UNIVERSITY FOUNDATION, 11 PEBRERO 1947. NAHALAL NA KINATAWAN NG UNANG DISTRITO NG QUEZON, 1953–1969. NAGPANUKALA NG PAGTATATAG NG PHILIPPINE COCONUT ADMINISTRATION, 1954. NAGING TAGAPANGULO NG HOUSE COMMITTEE ON EDUCATION, 1958–1961, HOUSE COMMITTEE ON FOREIGN AFFAIRS, 1961–1969. NAPILING OUTSTANDING CONGRESSMAN NG MGA PAHAYAGAN SA PILIPINAS BILANG PANGUNAHING TAGAPAGMUNGKAHI NG PANUKALANG-BATAS PARA SA PAGBUBUKAS NG KALAKALAN SA PAGITAN NG PILIPINAS AT NG MGA BANSANG KOMUNISTA, 1966. YUMAO, 14 HUNYO 1981.