Location: Quezon Memorial Circle, Quezon City
Category: Personage
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 19 August 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
MANUEL L. QUEZON
PANGULO NG PAMAHALAANG KOMONWELT AT AMA NG PAMBANSANG WIKA. ISINILANG SA BALER, DISTRITO NG EL PRINCIPE (NGAYOY LALAWIGAN NG AURORA), 19 AGOSTO 1878. LUMABAN SA DIGMAAN PILIPINO-AMERIKANO, 1899. NAGTAPOS NG ABOGASYA SA UNIBERSIDAD NG SANTO TOMAS, 1903. NAHALAL NA GOBERNADOR NG LALAWIGAN NG TAYABAS (NGAYOY LALAWIGAN NG QUEZON); MAJORITY FLOOR LEADER NG UNANG ASAMBLEYA NG PILIPINAS, 1907-1909; RESIDENT COMMISSIONER SA WASHINGTON d.c., 1909-1916; PANGULO NG SENADO, 1916-1935. PANGULO NG KOMONWELT, 1935 HANGGANG PUMANAW. MATAPOS SUMIKLAB ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, IPINAGPATULOY ANG PAMAMAHALA SA PILIPINAS HABANG NASA WASHINGTON D.C., 1942. PUMANAW SA SAKIT NA TUBERKULOSIS SA SARANAC LAKE, NEW YORK, 1 AGOSTO 1944. INILIPAT ANG MGA LABI SA CEMENTERIO DEL NORTE, LUNGSOD NG MAYNILA, 1 AGOSTO 1946 AS SA MUSEO NI MANUEL QUEZON, LUNGSOD QUEZON, 1 AGOSTO 1979.