Location: Taft Avenue, Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical Marker
Marker date: 2001
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANUEL ARAULLO Y GONZALES
(1853–1924)
IPINANGANAK SA BALAYAN, BATANGAS, ENERO 1, 1853. NAGING TAGAPAYO NI HENERAL ELWELL OTIS, 1898. ISA SA MGA MASISIGASIG NA GUMAWA UPANG MAITATAG ANG PAMAHALAANG SIBIL SA PILIPINAS, 1898. HUMAWAK NG IBA’T IBANG KATUNGKULAN SA HUDIKATURA, PANGUNAHIN DITO ANG PAGIGING TAGAPANGULO NG SEKSYON SA BATAS SIBIL SA KATAAS-TAASANG HUKUMAN NG PILIPINAS, 1899–1901. PANGULO NG KOMITE SA KODIGO NA MAGREREBISA NG MGA KODIGONG SIBIL, KOMERSYAL, PENAL AT IBA PANG MGA BATAS AYON SA MAKABAGONG PANUNTUNAN NG AGHAM SA BATAS AT KAUGALIAN NG BANSA, 1909–1913. ITINALAGA BILANG KATULONG NA MAHISTRADO NG KATAAS-TAASANG HUKUMAN, 1913, AT PUNONG MAHISTRADO NOONG NOBYEMBRE 1, 1921 HANGGANG KANYANG KAMATAYAN NOONG HULYO 16, 1924.