Location: Ermita, Manila (Region NCR)
Category: Association/Institution/Organization
Type: School
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 26 February 1982
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MANILA HIGH SCHOOL
ANG PAARALANG ITO AY NAITATAG NG MGA KASTILA SA UTOS NG AYUNTAMIENTO DE MANILA SA DAANG VICTORIA, INTRAMUROS NOONG 1892. PINANGALANANG ESCUELA MUNICIPAL DE MANILA. DITO RIN ITINATAG NG MGA AMERIKANO ANG KAUNA-UNAHANG PAARALANG BAYAN SA ILALIM NG KANILANG PAMAMAHALA NOONG HUNYO 11, 1906 SA PANGALANG MANILA HIGH SCHOOL. ITO ANG UNA AT TANGING MATAAS NA PAARALANG BAYAN ISINUNOD SA PANGALAN NG PUNONG LUNGSOD SA BANSA. ANG UNANG GUSALI AY NAGIBA NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG. ANG KASALUKUYANG GUSALING ITO AY PINASINAYAAN NONG PEBRERO 26, 1967. KABILANG SA MABUBUNYING NAGTAPOS SA PAARALANG ITO ANG TATLONG NAGING PANGULO NG PILIPINAS NA SINA JOSE P. LAUREL, MANUEL A. ROXAS AT ELPIDIO QUIRINO, ANG BANTOG NA HENERAL CARLOS P. ROMULO NG MINISTRI NG UGNAYANG PANLABAS AT KAUNAUNAHANG PANGULO NG NAGKAKAISANG BANSA (UN), AT MARAMI PANG IBANG MATAGUMPAY NA PINUNO SA LARANGAN NG AGHAM, EDUKASYON, PANGAN-GALAKAL AT LINGKOD BAYAN.