Location: Boac, Marinduque (Region IV-B)
Category: Buildings/Structures
Type: House
Status: Level II – Historical marker
Marker date: February 23, 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
MAHARLIKANG TAHANAN NI KAPITAN PIROCO
ARI NG KAPITAN MUNISIPAL PEDRO LARDIZABAL, LALONG KILALA SA TAGURING KAPITAL PIROCO. DITO NAKIPAGPANAYAM SI WILLIAM H. TAFT, TAGAPANGULO NG KOMISYON NG PILIPINAS, SA MGA TANYAG NA MAMAMAYAN NOONG IKA-13 NG MARSO, 1901. SA PAMAMAGITAN NI EDUARDO NEPOMUCENO, TAGAPAGSALITA, HINILING NILANG ANG MARINDUQUE AY MAGING HIWALAY NA LALAWIGAN. ANG PAMAHALAANG SIBIL NG LALAWIGAN AY ITINATAG DITO NI RICARDO PARAS, SR., ANG UNANG GOBERNADOR. ITINALAGA SIYA SA TUNGKULIN NI W. H. TAFT.