Location: Dolores, Quezon
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: March 27, 1993
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
MACARIO SAKAY
(1870-1907)
MAKABAYAN, IPINANGANAK, 1870, TONDO, MAYNILA. UMANIB SA KATIPUNAN, 1894. NAGING KATULONG SA PALIMBAGAN NG KATIPUNAN; NAKIPAGLABAN KASAMA NI ANDRES BONIFACIO SA ILANG LABANAN; ITINALAGANG PANGULO NG SESYONG DAPITAN (MAYNILA) DAHIL SA KANYANG KATAPATAN SA LAYUNIN NG K.K.K. NANATILING NAKIKIBAKA HANGGANG SA DUMATING ANG MGA AMERIKANO. NADAKIP SA KABUNDUKAN NG MORONG, 1901. PINAGKALOONAN AMNESTIYA NGUNIT MULINGNAMUNDOK UPANG BUHAYIN ANG LAYUNIN NG KATIPUNAN NI ANDRES BONIFACIO. TAGAPAGTATAG AT PANGULO NG REPUBLIKA NG KATAGALUGAN NA MAY PUNONG HIMPILAN SA BUNDOK SAN CRISTOBAL, 1902. LUMIPAT SA KABUNDUKAN NG MORONG, AGOSTO 1903. BUMABA SA MAYNILA SA PAANYAYA NG GOBERNADOR HENERAL, HULYO 4, 1906; PATAKSIL NA DINAKIP, HULYO 17, 1906, NAMATAY, SETYEMBRE 13, 1907.