Location: Bustos Church, C.L. Hilario Highway, Poblacion, Bustos, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1960
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
MABUHAY ANG MGA BAYANI
SA PATYONG ITO SA PALIGID NG TRIBUNAL NUONG IKA-16 NG HUNIO, 1897, NAGKATIPON ANG MAY ISANG LIBONG LALAKING TAGA BUSTOS NA PAWANG SANDATAHAN SA PANGUNGUNA NINA KAP. BINDOY AT ANDRES UPANG MAHIGPIT NA TUTULAN ANG PAGHUHULOG NG “JUEZ DE CUCHILLO”, SA BAYANG ITO. PINAGKASUNDUAN NILA NA KUNDI PAKIKINGGAN ANG KANILANG PAGTUTOL AY PAGSUSUNGGABANAN NA LAMANG NILA AT SUKAT ANG MGA BARIL AT BAYONETA NG MAY APAT NA RAANG KASADORES NA SA KANILA AY NAKAPALIGID, AT ANG PALATANDAAN NG PAGSASAGAWA NITO AY ANG PAGYAPOS NG MGA KAPITANG MUNICIPAL NA TAGA BUSTOS SA MGA OPISYAL NA KASTILA NA KANILANG KAUSAP SA BULWAGAN NG TRIBUNAL.