Location: San Pablo, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site, Town
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1954
Installed by: Philippines Historical Committee (PHC)
Marker text:
LUNSOD NG SAN PABLO
TINAWAG NA SAMPALOK BAGO ITINATAG NG MGA PARING AGUSTINO NA PAROKYA NG SAN PABLO, 1596. GINAWANG BAYAN, 1647; BARTOLOME MAGHAYON, UNANG GOBERNADORSILYO. NAPALIPAT ANG PANGANGASIWA NG PAROKYA SA MGA PRANSISKANO, 1734, AT SA MGA SEGLARES, 1898. NAGHIMAGSIK ANG MGA MAMAMAYAN SA PAMUMUNO NI HENERAL MIGUEL MALVAR, 1896. NASAKOP NG MGA AMERIKANO 1899. INOCENTES MARTINEZ, NAHIRANG NA PANGULONG BAYAN. MARCOS PAULINO, UNANG HALAL NA PANGULONG BAYAN, 1902. NAGING LUNSOD, 1940, SA BISA NG BATAS NA INIHARAP NG KINATAWANG TOMAS DIZON. POTENCIANO MALVAR, UNANG ALKALDE.