Location: San Luis Freedom Park, Mexico–San Luis Road, San Luis, Pampanga
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: June 21, 2017
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LUIS TARUC
1913–2005
MAKABAYAN AT TAGAPAGTANGGOL NG KARAPATAN NG MGA MAGSASAKA AT MANGGAGAWA. ISINILANG SA SAN LUIS, PAMPANGA, 21 HUNYO 1913. LUMALIM ANG PANANAW NIYA SA KAWALAN NG KATARUNGANG PANLIPUNAN NANG SIYA’Y SUMALI SA AGUMAN DING MALDANG TALAPAGOBRA AT PARTIDO SOSYALISTA NG PILIPINAS, 1936. IPINIIT DAHIL SA PAGLAHOK SA MGA WELGA NG MGA MANGGAGAWA SA PAMPANGA, 1937 AT 1941. KASAMA SA MGA NAGTATAG AT NAGING PINUNO NG HUKBO NG BAYAN LABAN SA HAPON, 29 MARSO 1942. NAHALAL NA KINATAWAN NG IKALAWANG DISTRITO NG PAMPANGA NGUNIT PINATALSIK SA PUWESTO, KASAMA ANG IBA PANG KAPARTIDO SA ILALIM NG DEMOCRATIC ALLIANCE, DAHIL SA PAGKONTRA SA BELL TRADE ACT NA NAGBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA ESTADOS UNIDOS NA MANGHIMASOK SA EKONOMIYA AT LIKAS-YAMAN NG BANSA, 1946. NAGUNA SA PAKIKIBAKA LABAN SA PAMAHALAAN, 1949. SUMUKO SA PAMAHALAAN SA PAGHIMOK NI RAMON MAGSAYSAY, 17 MAYO 1954. BINIGYAN NG AMNESTIYA, 11 SETYEMBRE 1988. YUMAO, 4 MAYO 2005.