Location: Plaza Dilao, Paco, Manila (Region NCR)
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: November 17, 1992
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LORD JUSTO UKON TAKAYAMA
(1552-1615)
PINUNO NG UNANG PANGKAT NG MGA MAHARLIKANG HAPON NA KRISTIYANO NA IPINATAPON SA PILIPINAS NOONG 1614, NANG IPINAGBAWAL NG HAPON ANG KRISTIYANISMO. MAHIGIT SA 100 KAGAWAD NG MAHARLIKANG ANGKAN NG HAPON NA NAGING KRISTIYANO, KABILANG ANG LORD JUAN TOKUAN NAITO, AT ANG MGA KAGAWAD NG UNANG KONGREGASYONG KATOLIKO NG KABABAIHAN SA HAPON SA PANGUNGUNA NI PRIYORA JULIA NAITO, AY MALUGOD NA TINANGGAP SA MAYNILA NG MAGIGILIW NA PILIPINO NA KANILANG NAKASAMA SA ILALIM NG ISANG BIGKIS NG KAPATIRANG KRISTIYANO. ANG MGA KRISTIYANONG HAPON AY NANATILI SA PILIPINAS HANGGANG SA SILA AY LUBUSANG MAPABILANG SA MADLANG PILIPINO.
ANG LIWASANG DILAO NA KINATATAYUAN NG BANTAYOG NA ITO AY GUMUGUNITA SA BAYAN NG DILAO (NGAYO’Y PACO), ANG UNANG PUROK NG HAPON SA MAYNILA.