Location: J. P. Rizal Street cor. A. Bonifacio Street, Rodriguez, Rizal
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: February 20, 1993
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LICERIO I. GERONIMO
(1855–1924)
BAYANI NG LABANAN NG SAN MATEO. IPINANGANAK AGOSTO 27, 1855, SAMPALOC, MAYNILA. PUNO, KAPULUNGANG KATIPUNAN NG WAWA, MONTALBAN, TAGAPAGTATAG, KATIPUNAN SA SAN MATEO AT MARIKINA. NAPAURONG ANG MGA KASTILA NA SUMALAKAY SA PUWERSA NI HENERAL AGUINALDO SA BUNDOK PURAY. NAHIRANG NA MEDYOR HENERAL NG DIBISYON NAKATALAGA SA SAN MATEO, 1898; KOMANDANTE HENERAL NG IKATLONG SONA MILITAR NG LALAWIGAN NG MAYNILA, 1899. BUONG TAPANG NA NAKIPAGLABAN KASAMA ANG KANYANG MGA TIRADORES DE LA MUERTE SA LABANAN NG SAN MATEO KUNG SAAN NAPATAY NIYA SI HENERAL HENRY LAWTON AT IBA PANG OPSIYAL NA AMERIKANO. SINUNDAN ITO NG MGA PAGSALAKAY SA IBA’T-IBANG HIMPILAN NG MGA AMERIKANO SA BULAKAN, RIZAL AT MGA KARATIG BAYAN NG MAYNILA. SUMUKO SA MGA AMERIKANO, 1901. NAGTRABAHO SA KONSTABULARYO NG PILIPINAS BILANG 4TH CLASS INSPECTOR, HUNYO 1, 1902. NAGING 3RD LIEUTENANT AT INSPECTOR, DISYEMBRE 23, 1902. NAMATAY, ENERO 16, 1924.