Location: Leon Apacible Museum, Calle Marcela Mariño Agoncillo, Taal, Batangas
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: National Historical Landmark
Marker date: 1973
Installed by: National Historical Commission (NHC)
Marker text:
LEON APACIBLE
(1861–1901)
IPINANGANAK SA BALAYAN, BATANGAS, NOONG 25 OCTUBRE 1861. ABOGADO AT HUKOM PAMAYAPA. NAGTATAG NG MASONERYA SA KANYANG LALAWIGAN. NAGLINGKOD BILANG KANANG KAMAY NG HENERAL MIGUEL MALVAR; NAGING KATULONG SA PAGTATATAG NG LALAWIGAN NG BATANGAS NOONG PANAHON NG HIMAGSIKAN. NAHIRANG NA KINATAWAN NG LEPANTO SA KONGRESO NG MALOLOS. NAKAISANG DIBDIB SI MATILDE MARTINEZ; NAMATAY NOONG 1901. ANG BAHAY NA ITO AY NAGING TAHANAN NIYA AT NAGING TAGPUAN DIN NINA DR. JOSE RIZAL, MARIANO PONCE, AT IBA PANG MGA BAYANI.