Location: Lazaro Francisco Elementary School, Zulueta Street, Cabanatuan, Nueva Ecija
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1990
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LAZARO FRANCISCO
(1898–1980)
MAKABAYAN, PANGUNAHING NOBELISTA SA PANITIKANG PILIPINO. ISINILANG SA ORANI, BATAAN, PEBRERO 22, 1898. LUMAKI SA CABANATUAN AT NAGSULAT NG NOBELA SA BAYANG ITO MULA 1925. MAHALAGANG BAHAGI NG KANYANG PANULAT ANG PAKIKISANGKOT SA MGA SULIRANING TUMUTUKOY SA KAPAKANAN NG BANSA. TAGAPAGTATAG NG KAPATIRAN NG MGA ALAGAD NG WIKANG PILIPINO (KAWIKA), 1958. TAMPOK SA MGA TINANGGAP NIYANG GAWAD: REPUBLIC CULTURAL HERITAGE AWARD, 1970; PATNUBAY NG KALINANGAN, MAYNILA, 1975; DANGAL NG LAHI, LUNGSOD NG QUEZON, 1976; TANGLAW NG LAHI, ATENEO DE MANILA, 1979. SA KANYANG ALAALA ANG CABANATUAN WEST CENTRAL SCHOOL AY PINANGALANAN NOONG 1987 NG “PAARALANG ELEMENTARYANG LAZARO FRANCISCO.” NAMATAY NOONG HUNYO 17, 1980.