Location: Liberty Shrine, Lapu-Lapu City
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 27 April 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LAPULAPU
ISA SA MGA PINUNO NG MACTAN. NANINDIGANG NAGSASARILI AT MALAYA ANG KANIYANG BAYAN MULA SA KAPANGYARIHAN NG HARI NG ESPANYA AT HINDI KINILALA ANG PAGTALAGA NI FERNANDO MAGALLANES KAY RAHA HUMABON BILANG PINAKAMATAAS NA PINUNO NG CEBU AT MACTAN. PINANGUNAHAN NIYA ANG PAGTATANGGOL SA MACTAN MULA KAY MAGALLANES, 27 ABRIL 1521. SA PAMUMUNO NIYA, NAPATAY NG MGA MANDIRIGMA NG MACTAN SI MAGALLANES AT WALO NITONG KAWAL, KASAMA ANG APAT NA TAUHAN NI HUMABON. TUMAGGI SIYA SA PAKIUSAP NI HUMABON NA IBIGAY ANG BANGKAY NI MAGALLANES SA EKSPEDISYON.
BINANTAAN NIYA SI HUMABON NA SASALAKAYIN ANG CEBU KUNG HINDI ITO MAKIKIISA SA PAGPASLANG SA NALALABING KASAMAHAN NI MAGALLANES SA CEBU, 29 ABRIL 1521. BILANG TUGON, ISANG PIGING ANG HINANDA NI HUMABON SA CEBU AT DOON PINATAY ANG MGA PINUNO AT ILANG KASAPI NG EKSPEDISYON, 1 MAYO 1521.