Location: 1141 Teodoro San Luis Street, Pandacan, Manila
Category: Personages
Type: Biographical marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1980
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LADISLAO BONUS
(1854–1908)
ANG “AMA NG OPERANG PILIPINO”, DALUBHASANG MUSIKO, KOMPOSITOR AT GURO SA MUSIKA. SI LADISLAO BONUS AY ISINILANG SA POOK NA ITO NOONG IKA-27 NG HUNYO 1854, KINA PEDRO BONUS AT MARIA MARIANO. MAYKATHA NG UNANG OPERANG PILIPINO ANG “SANDUGONG PANAGINIP” NI PEDRO A. PATERNO, NAGLAPAT NG TUGTUGIN SA “RECUERDOS A LA PATRIA” NI DR. JOSE RIZAL, AT MAYKATHA PA RIN NG MARAMING TUGTUGIN SA SARSUELANG PILIPINO, MISA, ROSARYO KANTADA, GOZO AT MGA KANTAHING-BAYAN NA NAGING DAHILAN UPANG ANG PANDACAN AY KILALANING “MUNTING ITALYA NG PILIPINAS.”
SIYA AY NAMATAY NOONG IKA-28 NG MARSO, 1908.