Location: Bagong Silangan Barangay Hall, General Geronimo Street cor. Bonifacio Street, Bagong Silangan, Quezon City
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: December 19, 1999
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA SAN MATEO
SA POOK NA ITO NOONG UMAGA NG DISYEMBRE 19, 1899 NAGANAP ANG ISANG MAKASAYSAYANG LABANAN NG DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO SA PAGITAN NG PANGKAT NI LICERIO GERONIMO, DIBISYONG HENERAL NG HUKBONG PANGHIMAGSIKAN NG RIZAL KASAMA ANG KANYANG BUONG PANGKAT NG MGA MANUNUDLA NA TINAWAG NA TIRADORES DE LA MUERTE AT ANG PANGKAT AMERIKANO SA PAMUMUNO NI KOMANDANTE HENERAL HENRY W. LAWTON NA BINUBUO NG ISANG BATALYON NG IKA-29 NA IMPANTERIYA, ISANG BATALYON NG IKA-27 IMPANTERIYA, ISANG KABAYUHAN AT ISANG DI-KABAYUHANG ISKWADRON NG IKA-11 KABALYERIYA. NAPATAY SA LABANANG ITO NG PANGKAT NI HENERAL GERONIMO SI HENERAL LAWTON, ISA SA PINAKAMATAAS NA OPISYAL NA MILITAR NG MGA AMERIKANO SA DIGMAANG FILIPINO–AMERIKANO.
INALISAN NG TABING SA PANAHON NG PAGDIRIWANG NG IKASANDAANG TAON NG MAKASAYSAYANG LABANAN NG SAN MATEO SA PAG-AALALA SA MGA NAGTANGGOL AT NAMATAY PARA SA ATING KARAPATANG MAGING MALAYANG BANSA.