Location: F.T. San Luis Avenue, Pagsanjan, Laguna
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 20, 1988
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA SAMBAT
SUKDULAN NG UNANG LABANAN SA LAGUNA NG KATIPUNAN, SANGAY MALUNINGNING, AT NG LAKAS KASTILA. NAPAURONG SA DAMI NG NASAWI SA STA. CRUZ NOONG NOBYEMBRE 15, 1896 NG MGA CASADORES NA MAY MGA RIPLE AT ARTILERIYA ANG 3,000 NA MAY MGA ITAK, SIBAT AT ILANG BARIL NA REBULUSYONARYONG BUHAT SA PAGSANJAN, LUMBAN, PAETE, PAKIL, SINILOAN, CAVINTE, STA. CRUZ, MAGDALENA AT MGA KARATIG-BAYAN NA PINAMUMUNUAN NI HEN. SEVERINO TAINO. HULING NAPUKSA SA TATLONG ORAS NA SAGUPAAN SA POOK NA ITO NOONG NOBYEMBRE 16 NG SOUTHERN EXPEDITIONARY FORCE KASAMA ANG 70TH INFANTRY REGIMENT NI HENERAL JARAMILLO BUHAY SA BATANGAS ANG PANLIKOD NA HANAY NI KOL. FRANCISCO ABAD AT NG MGA CUADRILLEROS NG BAY. NAPATAY ANG ‘BAYANI NG SAMBAT’ AT DAAN-DAANG MGA KATIPUNERO SA DALAWANG ARAW NA MABANGI AT MADUGONG PAGHAHAMOK.