Location: Plaridel, Bulacan (Region III)
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: April 23, 1999
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA QUINGUA (PLARIDEL)
ABRIL 23, 1899
SA BAYANG ITO NAKASAGUPA NG PANGKAT NI KOR. PABLO TECSON AT NG IBA PANG YUNIT NG MGA REBOLUSYONARYO NG BULAKAN SA PAMUMUNO NI HENERAL GREGORIO DEL PILAR ANG HUKBONG AMERIKANO. NANAGUMPAY ANG MGA PILIPINO SA UNANG BAHAGI NG LABANAN SUBALIT NAPILITANG IWAN ANG KANILANG POSISYON SA PAGDATING NG PANIBAGONG DAGDAG NA KAWAL AT NG MAS MALAKAS NA SANDATANG PANDIGMA NG MGA KAAWAY KABILANG SA MGA PILIPINONG NASAWI SAMANTALANG NAKIKIPAGLABAN SINA JUAN EVANGELISTA AT PABLO MANIQUIZ.
ANG LABANAN SA QUINGUA AY ISA SA MAHAHALAGANG SAGUPAAN NOONG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO. ANG PAGKAMATAY NG DALAWANG OPISYAL NA AMERIKANO SA LABANANG ITO AY NAKAPAGPALAKAS NG MORAL NG MGA PILIPINO SA PAKIKIPAGLABAN AT NAGING DAHILAN DIN UPANG PANSAMANTAANG MAANTALA ANG PANANALAKAY NG MGA AMERIKANO SA HILAGANG LUSON.