Location: Dalton Pass, Brgy. Tactac, Santa Fe, Nueva Vizcaya
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: May 13, 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA PASONG BALETE
PINANGYARIHAN NG LABANAN SA PAGITAN NG MGA AMERIKANO AT MGA HAPON UPANG MAKONTROL ANG CAGAYAN VALLEY, 21 PEBRERO HANGGANG MAYO 1945. SINALAKAY NG MAGKAKASAMANG PUWERSA NG IKA-25 DIBISYON NG ESTADOS UNIDOS, MGA GERILYANG PILIPINO NA KASAPI NG LUZON GUERILLA FORCES (LGAF) SA ILALIM NI KOLONEL ROBERT LAPHAM, AT MGA TSINO, AT NAITABOY ANG PANGKAY NG SHOBU NG MGA HAPON NA PINAMUNUAN NI HENERAL TOMOYUKI YAMASHITA. UMURONG ANG NALALABING HUKBONG HAPON SA PASONG BALETE AT NAGTUNGO SA GITNANG CORDILLERA. DUMATING ANG UNANG PATRULYA NG MGA AMERIKANO SA PASONG BALETE, 9 MAYO 1945. IDINEKLARANG BUKAS SA ALLIED FORCES, 13 MAYO 1945. PINANGANLANG PASONG DALTON BILANG PARANGAL KAY BRIGADYER HENERAL JAMES L. DALTON II NA NAPATAY NG ISANG SNIPER NOONG 16 MAYO 1945 HABANG NAGSASAGAWA NG IBAYONG PAGSISIYASAT SA PASONG BALETE MAKARAAN ANG LABANAN.