Location: Ormoc, Leyte
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker unveiling date: 28 February 2023
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
LABANAN SA LOOK NG ORMOC
LAYON SA ALLIED FORCES NA PIGILAN ANG PAGDAGSA NG DAGDAG NA MGA SUNDALONG HAPONES SA LOOK NG ORMOC NA LALABAN SA LEYTE, 23 OKTUBRE – 11 DISYEMBRE 1944. MAGKAKASUNOD NA BINOMBA NG U.S. FIFTH AIR FORCE ANG MGA BARKONG NAGDADALA SA MGA SUNDALONG HAPON NA NAGHUDYAT SA SIMULA NG SERYE NG SAGUPAAN SA DAGAT, 1-10 NOBYEMBRE 1944. SINUNDAN ITO NG PAGLUSOB SA MGA HAPON MULA SA IBA’T IBANG PANIG NG LEYTE. NAPASOK NG ALLIED FORCES ANG LOOK NG ORMOC, 7 DISYEMBRE 1944. NABAWI ANG ORMOC MULA SA MGA HAPONES, 11 DISYEMBRE 1944. BAHAGI ITO NG HULING OPERASYON NG ALLIED FORCES SA LEYTE NA NAGTAPOS NOONG 25 DISYEMBRE 1944.