Location: Sibuyan Island, Romblon (Region IV-A)
Category: Sites/Events
Type: Battle Site
Status: Level II – Historical marker
Marker Date: 2007
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA KARAGATAN NG SIBUYAN
ISA SA MGA MAKASAYSAYANG LABANANG NAGANAP SA KARAGATAN NOONG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG, 24 OKTUBRE 1944. BINOMBA NG MGA EROPLANO MULA SA AIRCRAFT CARRIERS NG MGA AMERIKANO ANG PUWERSANG HAPON NA KINABIBILANGAN NG MGA BARKONG PANDIGMANG MUSASHI, YAMATO, HARUNA AT NAGATO AT ILANG KASATORPEDERO HABANG PATUNGONG SAN BERNARDINO STRAIT. NAPALUBOG ANG 68,000 TONELADONG MUSASHI KASAMA ANG 989 MARINONG HAPON AT 39 NA OPISYAL. ANG PAGKATALO NG MGA HAPON SA KARAGATAN NG SIBUYAN AY NAKATULONG SA TAGUMPAY NG MGA AMERIKANO SA LABANAN SA LEYTE GULF.