Location: Ipo Dam, Norzagaray, Bulacan
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: May 19, 2005
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA IPO DAM
ANG IPO DAM AT ANG MGA DAAN PATUNGO DITO AY KONTROLADO NG PWERSANG HAPON SA ILALIM NI MEDYOR HENERAL OSAMU KAWASHIMA NA KABILANG SA PANGKAT NG SHIMBU NI TINYENTE HENERAL SHIZUO YOKOYAMA NOONG MGA UNANG BAHAGI NG TAONG 1945. IPINADALA ANG PINAGSAMANG PWERSA NG MGA PILIPINO AT MGA AMERIKANO NA KINABIBILANGAN NG IKA-169, 103, 133 AT IKA-172 REHIMENG IMPANTERIYA NG HUKBONG AMERIKANO KASAMA ANG PANGKAT NG MGA GERILYANG MARKING, RAMSEY AT HUNTERS ROTC UPANG BAWIIN ANG IPO, 6 MAYO 1945. TUMAGAL ANG MAY LIMANG ARAW ANG MADUGONG LABANAN NA TINAMPUKAN NG MATINDING PAMBOBOMBA. NABAWI NG MGA GERILYANG MARKING NA NAGWAGAYWAY NG BANDILANG AMERIKANO SA TUKTOK NG PLANTA NG KURYENTE SA BAHAGING TIMOG, IKA-10:30 NG UMAGA, 17 MAYO 1945.