Location: Capistrano Street corner Gaerlan Street, Cagayan de Oro
Category: Sites/Events
Type: Site
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 7 April 2000
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LABANAN SA CAGAYAN DE MISAMIS
BAGO MAGBUKANG-LIWAYWAY NOONG ABRIL 7, 1900, ANG LAKAS PANGHIMAGSIKAN NG BATALYONG MINDANAO SA PAMUMUNO NI HENERAL NICOLAS CAPISTRANO AY NAGSAGAWA NG ISANG BIGLAANG PAGSALAKAY SA IKA-40 REHIMIYENTO NA BINUBUO NG MGA BOLUNTARYO NG ESTADOS UNIDOS SA PAMUMUNO NI MEDYOR JAMES CASE. SA PAGTATANGGOL SA KANILANG MINAMAHAL NA BANSA. ILANG DAANG MAGIGITING NA PILIPINONG MANGHIHIMAGSIK ANG NAMATAY SA LABANANG ITO.
ANG PANANDANG PANGKASAYSAYANG ITO AY BUONG PUSONG INIAALAY NG SAMBAYANANG PILIPINO SA MAGIGITING NA TAGAPAGTANGGOL NG KALAYAAN NG CAGAYAN DE MISAMIS SA PAGGUNITA SA IKASANDAANG TAON NG MAKASAYSAYANG LABANANG ITO.