Location: La Consolacion College Manila, Mendiola Street, San Miguel, Manila
Category: Association/Institution/Organization
Type: Institutional marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: September 2, 2002
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
LA CONSOLACION COLLEGE MANILA
NAGSIMULA BILANG BAHAY AMPUNAN AT PAARALAN NG MGA KASTILANG MADRENG AGUSTINO NG BIRHEN NG CONSOLACION SA MANDALUYONG, 1883. NAGSARA NOONG DIGMAANG PILIPINO–AMERIKANO, 1899. MULING NAGBUKAS SA PAMAMAHALA NG MGA PILIPINONG AGUSTINAS TERCIARIAS SA SAMPALOC, 1899. INILIPAT SA DAANG SAN SEBASTIAN, QUIAPO, 1901. NATIGIL BILANG BAHAY AMPUNAN. NAGING ISANG KOLEHIYO NA NAKILALA BILANG COLEGIO DE NUESTRA SEÑORA DE LA CONSOLACION, 1902. NASUNOG, 1909. INILIPAT SA SAN MIGUEL, 1910. INOKUPAHAN NG HUKBONG HAPON, 1944. NAGING PAGAMUTAN NG MGA NASALANTA NG DIGMAAN. KANLUNGAN NG MGA MAG-ANAK, AT TANGGAPAN NG CATHOLIC WELFARE ORGANIZATION AT CATHOLIC EDUCATIONAL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES, 1945. NAGING LA CONSOLACION COLLEGE, 1945.