Location: Batasang Pambansa Complex, Quezon City
Category: Sites/Events
Type: Commemorative marker
Status: Level II – Historical marker
Marker date: 1987
Installed by: National Historical Institute (NHI)
Marker text:
KOMISYONG KONSTITUSYONAL NG 1986
TINATAG SANG-AYON SA IKA-LIMANG PANGKAT NG PROKLAMASYON BILANG 3, KILALANG “FREEDOM CONSTITUTION,” NA NAGBIGAY KAPANGYARIHAN SA PANGULO NG PILIPINAS UPANG HUMIRANG NG ISANG KOMISYONG BABALANGKAS NG BAGONG SALIGANG BATAS. BINUO NG 48 LALAKI AT BABAENG HINIRANG NI PANGULONG CORAZON C. AQUINO ALINSUNOD SA PROKLAMASYON BILANG 9, MAY PETSANG ABRIL 23, 1986, AT NAGDAOS NG PAMBUNGAD NA SEREMONYA SA BULWAGANG PLENARYO NG BATASANG PAMBANSA NOONG HUNYO 2, 1986, KUNG SAAN NAHALAL NA PANGULO SI CECILIA MUÑOZ PALMA. NATAPOS NOONG OKTUBRE 15, 1986, ANG KONSTITUSYON NA NILAGDAAN NG 47 KOMISYONADO AT HINARAP SA PANGULO NANG ARAW DING IYON. PINAGTIBAY NG SAMBAYANANG PILIPINO ANG KONSTITUSYON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS SA ISANG PLEBISITO NOONG PEBRERO 2, 1987.