Location: Manila Hotel, Ermita, Manila
Category: Sites/Events
Type: Site of an important event
Status: Level II: Historical marker
Date of marker unveiling: 1 June 2021
Installed by: National Historical Commission of the Philippines (NHCP)
Marker text:
KOMBENSIYONG KONSTITUSYONAL NG 1971
NAGSIMULA ANG PANUKALANG PALITAN ANG SALIGANG BATAS NG 1935 AYON SA RESOLUSYON BILANG 2 NG KONGRESO AT KOMBENSIYONG BABALANGKAS NG BATAS PAMBANSA BILANG 6132, SA AGOSTO 1970. NAHALAL ANG 320 DELEGADO MULA SA IBA’T IBANG DISTRITO NG BUONG BANSA, 10 NOBYEMBRE 1970. NAGDAOS NG PAMBUNGAD NA SEREMONYA SA MANILA HOTEL, 1 HUNYO 1971. PINAMUNUAN NI DATING PANGULONG DIOSDADO P. MACAPAGAL MATAPOS ANG BIGLAANG PAGPANAW NG DATING PNGULONG CARLOS P. GARCIA NA UNANG NAHALAL NA PINUNO NG KOMBENSYON, 14 HUNYO 1971. NAKULONG AT PINALAYA ANG ILANG MGA DELEGADO MATAPOS MAIDEKLARA ANG BATAS MILITAR, 21 SETYEMBRE 1971. NATAPOS ANG SALIGANG BATAS NA NAGTATAG NG BATASANG PAMBANSA, 29 NOBYEMBRE 1972. PINAGTIBAY NG MGA BARANGAY (CITIZENS ASSEMBLIES) SA GITNA NG MALAWAKANG PROTESTA, 17 ENERO 1973. NAPALITAN ANG SALIGANG BATAS, 2 PEBRERO 1987.